Aloe Vera benefits

Huwag ismolin ang malaking benepisyo ng Aloe Vera

Health

Ang Sabila o Aloe Vera sa ingles ay isang makatas na halaman na matagal nang ginagamit ng mga tao sa panggagamot.

Ito ay maliit na halaman na may makapal, makatas at bahagyang may mga tinik sa paligid.

Orihinal na nagmula ang halamang ito sa tropikong bahagi ng Africa ngunit tumutubo na rin ito sa ilang bahagi ng maraming bansa gaya ng Pilipinas.

Maaaring gamitin ang dahon nito sa iba’t ibang paraan ng panggagamot.

Pwedeng kunin ang katas at laman nito upang ipampahid sa ilang bahagi ng katawan.

Ang Aloe Vera ay nagtataglay ng mga sumusunod:

  • Antioxidant properties, Vitamins A, C and E,
  • Vitamin B12, folic acid, at choline
  • enzymes gaya ng alkaline, phosphatase, amylase, cellulase at iba pa
  • minerals gaya ng calcium, copper, selenium, chronium, manganese,
  • magnesium, potassium, sodium at zinc
  • four farry acids na cholesterol, campesterol, beta-sisosterol at lupeol na siyang nagbibigay ng anti-inflamatory properties nito

Mga sakit na maaring magamot ng Aloe Vera

Paso
– ang aloe vera ay mabisang gamot laban sa mga radiation damage sa balat. Kapag inilagay ang aloe vera sa parte ng katawan na may paso, pinipigilan nito ang uv-induced suppression upang mas mabilis itong maghilom.

Cold sores
– ang aloe vera ay taglay na antiviral at anti-inflammatory properties na nakakatulong sa pagpapagaling at pagbabawas ng sakit na dulot ng cold sores.

Balakubak
Ang katas at laman ng aloe vera ay pangkaraniwang ginagamit bilang gamot sa balakubak. Maaaring direktang ipampahid ang katas nito sa apektadong anit.

Paglalagas ng buhok
Ang katas ng Aloe Vera ay maari ding gamitin sa pagkalagas ng buhok na maaring mauwi sa pagkapanot. Maaari itong ipahid sa parte ng anit kung saan naninipis na ang buhok.

Pagmamanas
Maaari ding ipangtapal ang dinikdik na dahon ng Sabila sa parte ng katawan na namamanas.

Digestion
Dahil sa anti-inflammatory property at laxative components nitong taglay, nakakatulong din ang Aloe Vera sa digestion dahil binabalanse nito ang alkaline at PH balance natin sa katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *