walang kuryente

Power interruption sa ilang lugar sa NCR at Luzon, magtatagal hanggang Oktubre 27

National News

Nag-anunsyo ang MERALCO ng brownout sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan dahil sa nagpapatuloy na maintenance works.

Ayon sa MERALCO, magsisimula ang ilang oras na power interruption ngayong Lunes, Oktubre a-21, at magtatagal hanggang sa linggo, Oktubre a-27.

Sa Metro Manila, kabilang sa mga maaapek­tuhan ang ilang lugar sa Maynila, Quezon City at Pasig City, habang apektado rin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Batangas at Cavite City.

Ang maintenance work ay isinasagawa sa mga lugar na apektado ng konstruksyon ng Skyway sa Quirino Avenue, Pandacan, pagpapalit ng mga bulok na poste, pagpapalit ng mga pasilidad, instalasyon ng poste, line reconstruction at reconductoring works.

Mayroon ding gagawin na maintenance works sa loob ng NGCP at MERALCO substations, at paglalagay ng karagdagang lightning protection devices at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *