Maynilad

Walang Tubig | Maynilad, magpapatupad ng daily rotational water interruption simula Oct. 24

Metro News

Ipatutupad na ng Maynilad simula bukas ng gabi, ika-24 ng Oktubre ang daily rotational water service interruption sa Metro Manila.

Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa angat dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa metro manila.

“Ito po ang mga lugar na tatamaan: Caloocan City, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Quezon City, Navotas, Paranaque, Pasay, Valenzuela, Bacoor City, Cavite, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario sa Bulacan po ‘yung Meycauayan Water District,” pahayag ni Maynilad Spokesperson Grace Laxa sa panayam ng Sonshine Radio

Araw-araw ang magiging water interruption na tatagal ng 8-18 oras at wala pang eksaktong petsa kung hanggang kailan ito tatagal.

Inihayag din ni Laxa ang mga ginagawa nilang hakbang para maibsan ang epekto ng pagkawala ng suplay ng tubig.

“Kami po sa maynilad, mayroon naman po kaming mga measures na ginagawa upang maibsan naman ‘yun pong paghihirap o ‘yung mga impact po nito sa ating mga customers. Unang-una, nagpapagawa po kami ng mga additional na water treatment plant po katulad nung Putatan. Mayroon na po tayong Putatan Water Treatment Plant 1, katatapos lang po nung Treatment Plant 2, at ginagawa na po yung Putatan Treatment Plant 3. Ito po ay nakakatulong doon po sa ating nearby areas ay mabigyan po sila ng tubig,” dagdag ni Laxa.

Para naman sa schedule ng water interuption, hinihikayat ng maynilad na bisitahin ang kanilang mga social media accounts.

Pinapayuhan naman ng maynilad ang mga residente na mag-ipon ng tubig pero huwag itong sobrahan upang magkaroon din ng pagkakataong mag ipon ang mga nasa matataas at malalayong lugar.

Lebel ng tubig ng angat dam, patuloy sa pagbaba

Samantala, patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa angat dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrological Division, bumaba pa sa 186.23 meters ang water level sa Angat Dam kaninang alas-6 ng umaga mas mababa kumpara sa 210 meters na normal high water level nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *