Bilang ng nasawi sa kilos-protesta sa Chile, tumaas na sa 18

International News

Tumaas na sa 18 katao ang bilang ng kumpirmadong nasawi habang aabot sa 200 iba pa ang sugatan sa patuloy na kilos-protesta sa Chile.

Ito ay sa gitna ng tumitinding protesta laban sa gobyerno sa planong pagtaas ng pasahe sa public transport.

Limang libo katao naman ang naaresto sa gitna ng sagupaan ng mga nagpo-protesta at pulis.

Tinatayang nasa 20,000 mga sundalo na ang nag-papatrol sa lungsod ng Santiago upang makontrol ang kaguluhan.

Nagpatupad na rin ng curfew ang mga otoridad sa bansa mula 10 pm hanggang 4 am.

Nanatili namang nakataas ang state of emergency sa Santiago dahil sa patuloy na komosyon.

Ulat ni Patricia Fulo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *