Ariana Grande at Billie Eilish, nanguna sa nominasyon sa AMAs 2019

Showbiz

Nanguna sa may pinakamaraming nominasyon sa American Music Awards (AMA) 2019 ang pop superstars na sina Ariana Grande at Billie Eilish.

Kapwa humakot ng tig-anim na nomination ang dalawang 2019 hit makers.

Nominado sa Grand Prix na Artist of The Year Award si Ariana kung saan makakalaban nito si Taylor Swift, Drake, Halsey at Post Malone.

Habang up for best new artist ang first time nominee na si Billie kung saan makakaharap nito sina Lil Nas X, Lizzo at Ella Mai.

Ang 23-time AMA winner naman na si Taylor Swift ay mayroong 5 nominasyon ngayong taon.

Magkakaharap-harap din sina Ariana, Billie AT Taylor sa Female Artist of the Year award.

Ang K-pop group naman na BTS na nagwagi bilang ‘favorite social artist’ noong nakaraang taon at nominado sa 3 kategorya ngayong taon.

Gaganapin ang awards night ng AMAs 2019 sa Microsoft Theater sa Los Angeles sa November 24.

Ulat ni Patricia Fulo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *