rollback

Ilan pang mga kompanya ng langis, magpapatupad ng rollback bukas

National News

May katiting na oil price rollback ang ilang kumpanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Epektibo alas-6 ng umaga bukas, may P0.45 na bawas-presyo sa kada litro ng gasolina at P0.10 na bawas sa kada litro ng diesel ang Shell, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Ptt Philippines, Total at Seaoil.

Wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene ng mga nasabing kumpanya.

Una nang nagpatupad kahapon ng rollback na P0.60 sentimos sa kada litro ng gasolina at P0.20 sentimos sa kada litro ng diesel ang lahat ng Clean Fuel stations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *