Sinunog ng ilang mga demonstrador sa Hong Kong ang ilang tindahan at pamilihan sa distrito ng Tsim Sha Tsui.

Mga demonstrador, nagsunog ng mga tindahan sa isang distrito sa Hong Kong

International News

Sinunog ng ilang mga demonstrador sa Hong Kong ang ilang tindahan at pamilihan sa distrito ng Tsim Sha Tsui.

Nagsimula ang gulo matapos magpasabog ng tear gas, water cannon at rubber bullets ang kapulisan sa mga nakilahok sa pagpapatuloy ng kilos protesta sa distrito.

Karamihan sa mga nag-aaklas ay nakasuot ng itim na damit at naka-face mask.

Nagtipon-tipon ang mga demonstrador upang umalma sa police brutality sa apat na buwang sigalot sa siyudad.

Magugunitang nagsimula ang malawakang kilos-protesta sa Hong Kong matapos ipanukala ang ‘extradition bill’ kung saan ipadadala sa mainland China ang mga may kasong kriminal sa Hong Kong.

Ulat ni Shara Veneracion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *