Pang. Duterte, biyaheng Bangkok, Thailand para dumalo sa 35th ASEAN Summit

National News

Biyaheng Bangkok, Thailand ngayong linggo si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na gagawin mula Nobyembre 2 hanggang 4.

Sa media briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever Mahilum-West na dadalo ang Pangulo sa ASEAN Summit Plenary sa Nobyembre a-dos, araw ng Sabado.

Dadalo din aniya ang presidente sa ASEAN-China, ASEAN-India, at ASEAN-UN summits sa linggo.

Inaasahan naman aniya na mapag-uusapan ang Code of Conduct sa South China Sea sa ASEAN-China summit.

Sinabi naman ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje na makakasama ng Pangulo sa Thailand ang mga kalihim ng DFA, DTI at DSWD at ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña na dadalo naman sa Spouses’ summit.

Sa ngayon aniya ay handa ang Malacañang para sa lahat ng mga pagpupulong at trabahong inaasahang dadaluhan lahat ng Pangulo.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay napaaga ang uwi ni Pang. Duterte mula Japan dahil sa ‘unbearable pain’ matapos maaksidente sa motor.

Ulat ni Karen David | Larawan mula sa Presidential Photos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *