UAAP: UP Fighting Maroons, nakuha ang twice-to-beat advantage sa Final Four

Sports

Nakuha ng UP Fighting Maroons ang twice-to-beat advantage para sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament final four ito ay matapos na padapain ng Fighting Maroons ang De La Salle University Green Archers sa iskor na 71-68.

Sa naging laro, hawak pa ng Green Archers ang kalamangan sa huling quarter, ngunit hindi nagpatinag ang UP at umarangkada sa huling tatlong minuto na dahilan para maka-abante sa koponan ng La Salle.

Pinangunahan naman ni Bright Akhuentie ang pagkapanalo ng UP na nakapagtala ng 17 points na sinundan naman ni Kobe Paras na may 10 points.

Ulat ni Arjay Eydan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *