dar on asf

Agri Sec. Dar, tikom muna ang bibig kaugnay sa ASF

National News

Pansamantala munang tikom ang bibig ng Department of Agriculture kaugnay sa nakababahalang isyu ng African Swine Fever.

Paliwanag ni Agriculture Sec. William Dar, hindi muna ito maglalabas ng salita kaugnay sa ASF sa media upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Sa kabila nito ay siniguro naman ni Dar na ginagawa nila ang lahat upang hindi kumalat ang nasabing virus sa iba pang lugar na aniya ay nasa Central Luzon lamang.

Tiniyak din ng kalihim na sila ay magbibigay ng pahayag sa media isang beses sa isang linggo.

Kasabay nito ay pinayuhan naman ni Dar ang mga apektadong meat processors na na pansamantala munang mag-import ng baboy mula sa ibang bansa.

Ulat ni Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *