trump

BREAKING NEWS | No. 1 na kapalit ni ISIS leader al-Baghdadi, napatay na rin – US Pres. Trump

Breaking News International News

Kinumpirma ni US Pres. Donald Trump sa pagkapatay ng numero unong posibleng maging bagong lider ng teroristang ISIS.

Sa pamamagitan ng kanyang official Twitter account, sinabi ni Trump na napatay ng US troops ang maaaring maging kapalit ni Abu Bakr al-Baghdadi bilang lider ng teroristang ISIS.

Unang naiulat ang pagkamatay ni al-Baghdadi matapos itong mag-suicide sa pamamagitan ng pagdetonate sa dala nitong pampasabog habang tinutugis ng US troops sa pinagtataguan nito sa Syria.

Wala pa namang inilabas na kumpirmasyon ang ISIS sa pangyayari.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *