Cayetano, hinamon si VP Robredo na patunayan ang health- based approach sa war on drugs

National News

Hinamon ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo na maglabas ng detalye sa mungkahi nito na idaan sa health- based approach ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ayon kay Cayetano, dapat ilabas ni Vp Robredo ang mga programa niya gamit ang health-based approach bago nito punahin ang pamamaraan ng administrasyon sa war on drugs.

Punto pa ng House Speaker, madaling magsabi at madaling mamuna ng programa gamit ang mga “flowery statements” gaya ng binanggit na health-based approach ng Pangalawang Pangulo.

Matatandaan na pinuna ni Robredo ang para sa kaniya ay marahas na war on drugs ng Duterte administration dahil sa maraming napapatay sa kampanya.

Kumasa naman sa banat ni Robredo si Pangulong Duterte at hinamon ang Bise-Presidente na maging ‘drug czar’ sa loob ng anim na kung sa tingin nito ay kayang maresolba ang problema sa droga sa ibang pamamaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *