traffic-crisis

Number coding scheme ng MMDA, suspendido sa Nov. 1, Oct. 31, at Nov. 4 

Metro News

Suspendido ang number coding scheme sa lahat ng sasakyan sa Undas, November 1 na isang non-special holiday.

Batay ito sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Maliban dito, suspendido rin ang number coding para sa mga provincial bus sa Huwebes, October 31 at sa lunes November 4.



Ayon sa MMDA, ang suspensyon ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na papunta sa kani-kanilang probinsya at mga babalik sa Metro Manila matapos ang Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *