Pres Duterte

Pang. Duterte magdedeklara ng National Emergency kapag nagpatuloy ang krisis sa tubig

Metro News National News

Ipinaliwanag ng Malakanyang ang magiging scenario para maging basehan ni Pang. Rodrigo Duterte para tuparin ang babala nito sa mga water concessionaires na i-take over.

Ito ay sakaling nabigo ang mga ito na mabigyan ng sapat na suplay ng tubig ang mga residente ng Metro Manila.

Sa Press Briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magdedeklara muna ng National Emergency ang pangulo bago ang bantang pag-take over sa mga water concessionaires.

Base sa Article 12 Section 17 ng Saligang Batas, sa panahon ng National Emergency at nakasalalay ang interes ng publiko pwedeng magsagawa ng take over ang gobyerno o pangunahan ang operasyon ng isang Privately Owned Public Utility o negosyo.

“Kung grabe na ang water crisis, kung wala na tayong tubig na maiinom, diba sinabi niya kagabi ‘I will not allow people not to drink water’,” saad ni Sec. Panelo.

Magugunitang nitong nakaraang Marso nang nagkakrisis din sa suplay ng tubig ang Metro Manila na nauwi sa pagpapatalsik sa administrator ng MWSS na si Reynaldo Velasco at pinalitan ni retired general Ricardo Morales.

Ulat ni Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *