SEA Games: PH Men’s national basketball team, sasabak sa tune-up games

Sports

 Nakatakdang sumabak sa tatlong tune-up games ang Philippine men’s national basketball team sa susunod na linggo.

Ito ay upang mas mapaigting pa ang depensa ng national team sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Makakalaro ng Gilas Pilipinas ang Alab Pilipinas sa darating na November 4 at 11.

Habang makakaharap naman ng PH National Team ang koponan mula sa Taiwan sa November 18.



Paglilinaw ni national team head coach Tim Cone na close game ang magiging laro ng Gilas at walang fans o kahit mula sa press ang makakapanood.

Dagdag pa ni Cone na puspusan na ang kanilang ensayo dahil kailangan nilang mapanatili ang kanilang rank.

Ulat ni Jao Gregorio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *