Pinoy filmmaker, wagi sa Southeast Asia Film Lab

Showbiz

Naiuwi ng pinoy filmaker na si Petersen Vargas ang grand prize sa ikatlong Southeast Asian Fiction Film Lab (SEAFIC).

Wagi ng tumatagingting na 15,000 dollars o katumbas ng halos 800,000 pesos ang Filipino director para pondohan ang feature film nito.

Kasalukuyang nasa pre-production stage pa lamang ang vargas film na may titulong “Some Nights I Feel Like Walking.”



Ang naturang pelikula na co-produced nina Jade Castro at Alemberg Ang ay sumasalamin sa ating bansa.

Present sa awarding ceremony na ginanap sa Bangkok, Thailand ang ilang kinatawan mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ulat ni Patricia Fulo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *