Isang street sa Dallas, ipinangalan kay Mavericks MVP Dirk Nowitzki

Sports

Isang street sa Dallas ang isinunod sa pangalan ni retired Dallas Maverick Dirk Nowitzki.

Ito ay upang bigyang pagkilala ang kanyang naiambag sa Dallas Mavericks team.

Masayang namang tinanggap ng 14-time all-star ang naturang paggawad sa kanya ng city council ng pagkilala.

Aprubado ng konseho ng Dallas via ‘unanimous vote’ ang pagbibigay pangalan sa isang kalye na sinunod sa retired NBA star.

Dinaluhan naman ng daan-daang tao ang inagurasyon at ang ‘official unveiling ng street name’.

Hindi malilimutan ng Dallas ng maiakyat ng german born player ang dallas Mavericks sa championship at tanghaling NBA champion noong 2011.

Magugunitang si Nowitzki rin ang tinanghal na NBA MVP finals noong kaparehong taon.

Joel De Lara | Larawan mula kay Ashley Landis/The Dallas Morning News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *