Lungsod ng Pasig, magbibigay ng libreng sakay sisimula mamaya

Metro News National News

Sisimulan na ngayong hapon ang free bus ride sa Pasig ngayong Undas.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang libreng bus ay babiyahe mula Pasig City Hall patungo sa mga pangunahing terminal na biyaheng probinsya.

Ang mga ruta at oras, mula Pasig City Hall hanggang Cubao terminals ay mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, at may pick-up-point tuwing ika-30 minuto.

Mula Pasig City Hall papuntang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ay magsisimula sa alas-3 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi, na may pick-up-point tuwing ika-isang oras.

Layon nito na maihatid sa mga terminal ang mga nais umuwi ng kani-kanilang probinsya para gunitain ang Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *