Mobile app para mahanap agad ang puntod at live streaming, ginagamit sa Manila South Cemetery

Metro News National News

Isandaang porsyento nang handa ang Manila South Cemetery para sa paggunita ng Undas bukas hanggang November 2.

Ayon kay Mr. Raffy Mendez, Assistant Director ng pamunuan ng Manila South Cemetery, Linggo palang ay nakahanda na ang kanilang pamunuan para sa inaasahang dagsa ng tao sa pagsisimula ng paggunita ng Undas bukas.

Pero kapansin-pansin ngayon palang ay may mga pami-pamilya nang piniling mauna at mag-overnight hanggang November 2.

Kaugnay nito, mahigpit na ipinaalala ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang mga ipinagbabawal sa lugar gaya ng pagdadala ng baril, matutulis na bagay gaya ng ice pick, kutsilyo, screw driver, alak, baraha at maingay na sound system.

Kasama na din sa ipinagbabawal ang mga alagang hayop lalong lalo na sa iligal na droga.

Mahigpit ang pagbabantay ng mga kapulisan at manila traffic bureau sa mga papasok at papalabas na mga tao sa sementeryo.

May libreng wheel chair din sa mga pwd, at libreng sakay naman sa loob ng sementeryo gamit ang e-trike.

Tuluyan na ding inalis ng pamunuan ang mga nakatirang pamilya sa loob ng sementeryo.

Samantala, para sa mas mabilis na access sa mga nawawalang puntod, lote o lugar na pinagtitirikan ng puntod ng mahal sa buhay, bukas ang live streaming sa www.manilasouthcemetery.com.ph.

I-type lang ang apelyido ng namayapang mahala sa buhay at agad din itong malalaman kung saan ito

May pager din na nakainstall para sa.mga nawawalang bata o bagahe.

Inaasahan ang mahigit sa isang milyong katao ang dadagsa sa Manila South Cemetery ngayong taon higit na mas marami ito kaysa sa nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *