Taylor Swift, gagawaran ng ‘Artist of the Decade’ award sa AMAs 2019

Showbiz

Nakatakdang gawaran ng “Artist of the Decade” award sa American Music Awards 2019 ang pop superstar na si Taylor Swift.

Bibigyang pagkilala ngayong taon ang 23-time winner na si Taylor dahil sa pagkakapanalo nito sa naturang award giving body ng higit na mas marami kumpara sa ibang artists ngayong dekada.

Mayroon ding limang nominasyon si Taylor sa parangal ngayong taon kabilang Grand Prix na Artist of the Year.

Inaasahang namang malalampasan na ng pop sensation ang record ni King of Pop Michael Jackson na mayroong pinakamaraming AMA award para sa isang artist.

Isang performance naman ang inihanda ni Taylor especially for AMA 2019 na gaganapin sa November 24.

Shara Veneracion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *