UNDAS: Mga bumibisita sa Manila North Cemetery, unti-unti nang dumadagsa

National News

Isang araw bago ang Undas, unti-unti nang dumadagsa ang mga tao sa Manila North Cemetery para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad at masusing sinusuri ang mga gamit na ipinapasok sa sementeryo para matiyak na hindi nakakapasok ang mga pinagbabawal na gamit.

Karamihan naman sa mga nakumpiskang pinagbabawal na gamit ay mga sigarilyo at lighters, mga bote ng pabango at alkohol.

Mahigpit ring ipinatutupad ang ‘zero-vendor policy’ sa loob ng sementeryo.

May mga e-trikes at 50 wheelchairs din sa Manila North Cemetery para sa libreng sakay lalo na sa mga senior citizen, may kapansanan at may problema sa kalusugan.

Habang nakapuwesto naman sa gilid ng sementeryo sa bangketa ng A. Bonifacio Avenue sa Maynila ang Portalets para sa mga bibisita sa sementeryo.

Mahigit limandaang pulis na rin ang ipinakalat sa nasabing sementeryo na magbibigay seguridad hanggang sa Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *