ASEAN Summit: ‘Friends to all, enemies to none’ policy, ipatutupad ni Pang. Duterte

International News National News

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapatupad ang “friends to all, enemies to none” policy ng admi­nistrasyon sa kaniyang pagdalo sa 35th ASEAN Leaders’ Summit sa Thailand.

Ito ang tugon ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar matapos matanong kung mayroon bang nakikitang panganib o hindi magandang epekto sa relasyon ng Pilipinas sa China sakaling hindi maisapinal ang Code of Conduct of Parties in the South China Sea.

Sinabi ni Andanar na ang relasyon ng Pilipinas sa China ay multi-faceted at hindi naman limitado lamang sa isang aspeto partikular sa isyu ng teritoryo.

Partikular na tinukoy dito ni Andanar ang kooperasyon ng dalawang bansa sa area ng kalakalan, investment, turismo at people to people exchanges.

Dagdag pa ni Andanar, na ang Pilipinas bilang country coordinator ng ASEAN sa China ay mas magpupursige sa pagpapanatili ng good environment para sa final approval at implementasyon ng Code of Conduct.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *