Pasok sa mga paaralan sa Davao City, suspendido ngayong araw

Regional

Kanselado pa rin ang pasok ngayong Lunes sa mga paaralan sa Davao City kasunod ng Magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Ito ang inanunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga school authorities na mainspeksyon ng husto ang mga school buildings para sa kaligtasan ang mga estudyante at empleyado.

Ayon kay Mayor Sara, bukas na ng Martes magre-resume ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Samantala, inatasan naman ang pamunuan ng mga paaralan sa lungsod na magsagawa ng earthquake at fire drills kahit isang beses sa isang buwan.



Ipinag-Utos din ng alkalde na mag-provide ang mga school authorities ng mga eksperto na tutulong sa mga mag-aaral na nakaranas ng stress, trauma, at anxiety bunsod sa serye ng mga malalakas na lindol.

Charlie Nosares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *