lindol graph

Tulunan at Makilala, Cotabato, muling niyanig ng Magnitude 4.4 at 3.9 na lindol kahapon

National News Regional

Muling niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Cotabato kahapon.

Unang naramdaman ang 3.9 magnitude na lindol dakong alas-8:19 ng umaga.

Naitala ang sentro ng lindol 22 kilometro Southeast ng Makilala, Cotabato, na may lalim na 4 kilometro.

Sumunod ang magnitude 4.4 na lindol sa Tulunan, Cotabato dakong alas-2:05 ng hapon.

Sumentro ang pagyanig 20 kilometro ng southeast ng Tulunan na may lalim na 12 kilometro.



Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng 2 lindol at walang aftershocks na inaasahan.

Charlie Nosares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *