GSW star player Stephen Curry, tatlong buwang hindi makakapaglaro

Sports

Hindi makapaglalaro ng tatlong buwan ang star player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry matapos itong operahan sa kaliwang kamay.

Sumailalim ang manlalaro sa operasyon sa kaliwang kamay noong biyernes at muling o-obserbahan sa susunod na tatlong buwan.

Matatandaan na natamo ni Curry ang injury sa kalagitnaan ng laban nito kontra Phoenix Suns kung saan natalo ang koponan nito.

Magugunita na kampeon ang Golden State Warriors noong 2015, 2017 at 2018 ngunit sa ngayon ay may 1-4 standing pa lamang ang koponan ni Curry sa nagpapatuloy na NBA regular season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *