Mga na drayber lumabag sa batas trapiko mula 2004, sususpendihin ng MMDA

National News

Nagpahayag ng pagka-dismaya si Metropolitan Manila Development Authority general manager Jojo Garcia dahil sa daan-daang traffic violation na nakakalusot sa LTO simula pa taong 2004.

Ayon kay Garcia, ay mayroong kaso ng 533 violation na nakakabyahe pa din sa kalsada.

Ang ilan naman sa mga naitalang rekord ng mga violators ay paid amnesty.

Sa lumabas na imbestigasyon ang mga bus drivers ang may pinaka-mataas na rekord ng violation sa kalsada.

Ani Garcia, agad i-rerevoke ang lisensya ng mga drayber na mayroong mahigit tatlong tala ng violation kahit pa ito ay bus driver na kasalukuyang bumabyahe sa kalsada.

Kaya naman babala ng MMDA, kung ayaw maging dahilan ng pagka-antala sa kalsada ay sumunod na lamang sa batas trapiko.

Nangako si Garcia na agad aaksyunan ng MMDA kasama ang Land Transportation Office at Highway Patrol Group ang mga violators kabilang ang mga drivers ng private vehicles at PUJs bago ang kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *