Courtesy: Leah Navarro FB page

Kritiko ni Pang. Duterte na si Leah Navarro, idineklarang Persona-Non-Grata sa General Santos City

National News Regional

Idineklarang Persona-Non-Grata ang betaranang singer na si Leah Navarro sa General Santos City.

Base ito sa resolusyon na iniakda ni GenSan Councilor Atty. Franklin Gacal Jr., na ipinasa naman agad ng konseho.

Nakasaad sa resolusyon ang pagbabawal sa singer na magtungo sa GenSan, matapos akusahan ang mga tao sa Mindanao na nakagawa ng maling gawain kaya sila ay pinaparusahan ng Maykapal.

Nag-Ugat ito sa tweet nito bilang kasagutan sa tanong ng dating tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te tungkol sa magkakasunod na lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Magugunitang tila sinagot lamang ng singer ang katanungan ni Te tungkol sa bakit lagi sa mindanao tinatamaan ng lindol.

Ang nasabing tweet ay binura na at humingi na rin ng paumanhin si Te at si Navarro.

Charlie Nosares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *