VP Robredo bilang co-chair ng ICAD: Tulong muna bago batikos – Albay Rep. Salceda

National News

Tulong muna bago batikos.

Ito ang panawagan ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Commitee on Ways and Means sa publiko kaugnay nang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo ng posisyon bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Sa isang panayam sa Quezon City, iginiit ni Salceda na panahon ngayon para tumulong sa mga programa ng gobyerno at hindi para magsiraan sa gitna na rin ng maraming hamong kinaharap ngayon ng bansa.

Naniniwala din ang kapwa mambabatas sa kakayanan ng kapwa nito Bicolano upang gampanan ang mga hamon na sakop na naghihintay sa kaniya sa ICAD.

Matatandaan na ngayong hapon lamang nang tanggapin ng Pangalawang Pangulo ang posisyong itinalaga sa kaniya ng Pangulong Rodrigo Duterte upang maging katuwang sa kampanya kontra-iligal na droga sa bansa.

Higit dalawang taon na lamang ang natitira sa termino ni Pangulong Duterte upang tuparin ang pangako nitong pagsugpo sa problema ng droga bansa.

Hati man ang publiko sa nangyaring paghahamon at pagtanggap ng posisyon sa anti-illegal drugs team ni Pangulo, naniniwala ang mambabatas na dapat ay bigyan ng taumbayan pagkakataon ang Bise-Presidente na makatulong sa nasabing kampanya.

MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *