15 patay, sa tinaguriang ‘biggest insurgent attack’ sa Thailand

International News

Hindi bababa sa 15 ang kumpirmadong nasawi sa pag-atake ng hinihinalang separatist group sa Thailand.

Naganap ang pag-atake sa isang checkpoint sa probinsya ng Yala.

Ayon sa mga otoridad, kabilang sa mga nasawi ay ilang pulis at mga village defense volunteers na nagsasanay na gumamit ng mga armas.

Sa ngayon ay wala pang grupo ang umako sa naturang pag-atake.

Tinatayang ito na ang pinakamalaking insurgent attack sa Thailand mula pa noong taong 2004.

Patricia Fulo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *