Brodkaster sa Dumaguete City, patay matapos pagbabarilin

Regional

Patay matapos pagbabarilin ang isang brodkaster at blocktimer ng isang FM station sa Dumaguete City kaninang umaga.

Kinilala ng Dumaguete City Police ang biktima na si Dindo Generoso, 67 taong gulang ng Brgy. Banilad Dumaguete City.

Batay sa imbestigasyon ng otoridad, binabaybay ni Generoso ang kahabaan ng Hibbard Avenue nang biglang tinadtad ng bala ng di kilalang suspek ang sinasakyan nitong kotse sa kanto ng Hibbard Avenue at EJ Blanco Drive, Piapi, Dumaguete City, Negros Oriental.

Courtesy: Syril Repe

Patuloy na iniimbestigahan ng otoridad ang motibo ng pamamaril.

Courtesy: Syril Repe

Taong 2016 nang kumandidato si Generoso bilang alkalde sa Dumaguete City.

Admar R. Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *