Jomalig, Quezon, niyanig ng magnitude 5.5 na lindol; ilang lugar sa Metro Manila, niyanig din

National News

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Jomalig, Quezon.

Natukoy ang sentro ng lindol sa 42 kilometro hilagang-silangan ng Jomalig, kaninang alas 4:52 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na pitong kilometro.

Naramdaman ang intensity 4 sa Guinayangan, Quezon; intensity 2 sa Marikina City, Navotas City at Quezon City habang intensity 1 sa Muntinlupa City.

Naitala naman ang instrumental intensity 4 sa Guinayangan Quezon at Jose Panganiban Camarines Norte; intensity 3 sa Pili Camarines Sur, Mauban Lopez at Mulanay, Quezon.

Instrumental intensity 2 naman sa Marikina City, Malolos City, Gumaca at Dolores Quezon at Baler, Aurora Habang intensity 1 sa Iriga City, Malabon City, San Juan City, Quezon City, Pasig City, Guagua Pampanga, Talisay Batangas at Palayan City.

Sinabi ng PHIVOLCS na wala pa namang naiulat na pinsala ang lindol pero asahan aniya ang mga aftershocks.

Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *