Pag-usok ng isang bagon ng MRT-3, natukoy na

National News

Natukoy na ang dahilan ng pag-usok ng isang bagon ng Metro Rail Transit (MRT-3) noong Nobyembre a-4 sa Santolan Station Northbound.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), batay sa isinagawang imbestigasyon ng Sumitomo Corporation, Mitsubishi Heavy Industries (MHI), and Tes Philippines (TESP), lumabas na short circuit sa isa nilang traction motors ang naging sanhi ng insidente.

Kaugnay nito, siniguro ng DOTr na mayroon na silang ginagawang mga hakbang upang maiwasang maulit ang kaparehong insidente.

Umapela naman ang ahensya sa publiko nang pag-unawa habang isinasagawa pa ang malakihang rehabilitasyon sa MRT-3 system.

Tiniyak din ng DOTr na ginagawa ng MRT-3 management at Sumimoto ang lahat para makapagbigay ng maasahan at ligtas na mga tren para sa mga commuter.

Inaasahang matatapos ang rehabilitasyon sa MRT-3 sa hulyo 2021.

Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *