Postponement ng 2020 Brgy at SK Elections, welcome development sa mga opisyal ng Barangay – Rep. Dy

National News

Welcome development raw para sa mga opisyal ng barangay sa buong bansa ang pagpasa ng Senado at Kamara sa panukalang batas para kanselahin ang nakatakdang Barangay at SK elections sa susunod na taon.

Ito ang nakuhang feedback ni House Committee on Local Government Vice Chair at Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V sa mga barangay officials nang maipasa kamakailan sa Kamara ang House Bill 4933 na nag-uurong sa skedyul ng botohan sa December 5, 2022.

Ayon sa kongresista, na isa sa mga pangunahing may akda ng panukala sa kamara, makakapagtrabaho na nang walang sagabal at maipagpapatuloy na ang mga programang nasimulan sa barangay dahil sa pinalawig na termino ng mga opisyal.

Punto pa ng batang mambabatas na nagsilbi ring pangulo ng Liga ng mga Barangay (LNB) bago naging kongresista, bukod sa panahon ay mabibigyan narin ng sapat na pondo ang mga programa sa barangay para sa ikabubuti ng mga constituents.

“With this postponement of polls now formalized and barangay personnel now free to carry out their mandate, I believe it is time to focus on measures that will improve their benefits and strengthen the barangay system,” ayon kay Dy.

Sa huli, ipinaabot naman ni Dy ang pasasalamat ng mga taga-barangay sa liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa agarang pagpasa ng postponement bill.

“They are very grateful to House Speaker Alan Peter Cayetano for heeding the President’s call to fast-track this bill. Barangay leaders say that the postponement of the barangay polls will now allow them to focus on serving their constituents,” wika ni Dy.

Mj Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *