3 opisyal ng PNP, inalis sa puwesto dahil sa pangongotong sa bidder ng body camera

National News

Sinibak sa pwesto ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Gamboa ang tatlong opisyal ng pnp dahil sa pangongotong ng nasa 5 milyong piso sa mga bidder ng body cameras ng ahensya.

Kinilala ang mga ito na sina Police Major Emerson Sales, Police Major Rholly Caraggayan at Police Major Angel Beros na miyembro ng Pnp bids and award committee technical working group.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Gamboa na sa ngayon ay nahaharap ang tatlo sa summary dismissal proceedings ng PNP Internal Affairs Service dahil sa kasong administratibo.

Ipinag-utos na rin ni OIC PNP Chief sa PNP-CIDG ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga ito.

Sinabi naman ni Gamboa na dahil sa kotrobersyal na extortion ay naantala ang pagbili at delivery ng mga body camera na may pondong mahigit 334 milyong piso.

Pero, ayon kay gamboa na bago matapos ang taon ay mabibili ang mga body cameras at maide-deliver sa ikalawa o sa ikatlong bahagi ng 2020.

Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *