NAGKASUNDO

Martial Law sa Mindanao, hindi na dapat pang palawigin – Defense Chief Lorenzana

National News

Hindi pabor si Defense Secretary Delfin Lorenzana na palawigin pang muli ang Martial Law sa Mindanao.

Paliwanag ni Lorenzana, masyado nang matagal kapag pinalawig pa ang batas militar sa rehiyon matapos ang 2019.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na hihintayin pa rin niya ang rekomendasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bago siya opisyal na magdesisyon.

Matatandaang Disyembre 31 nakatakdang magpaso ang Martial Law sa Mindanao matapos ang makailang extensyon nito.

Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *