Kinilala ang unang biktima na si Jessie Riel Parba, 15-anyos at grade 9 student sa Kasuga National High School Sa Magsaysay, Davao Del Sur.

Mayor ng Masiu, Lanao Del Sur, ligtas sa pananambang kahapon ng umaga

Regional

Masuwerteng nakalistas si Masiu, Lanao Del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr., matapos tambangan ng mga hindi pa nakilalang suspek dakong alas-10:00 ng umaga kahapon sa Barangay Gata, Buadiposo-Buntong.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pang-aambush habang binabaybay ng grupo ng alkalde ang marawi city para sana dumalo sa pulong ng Municipal Peace and Order Council sa munisipyo.

Sugatan sa pamamaril ang police escort nitong si Staff Sergeant Jabbar Romato Pangandaman, na natamaan sa bahagi ng tiyan; gayundin ang dalawang civilian aide na sina Jammal Gabriel Pangandaman, na nadaplisan sa tuhod; at Casanoding Mangandog, na tinamaan ng bala sa bahagi ng puwet.

Isinugod naman sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City ang tatlong sugatan, habang tinutugis na ang mga nakatakas na suspek.

Isa sa tinitingnan anggulo ng pulisya ay “rido” o away pamilya dahilan ng pananambang kay Pangandaman.

 Charlie Nosares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *