P4.1-T 2020 proposed national budget, target ng Senado na maisumite sa Disyembre

National News

Umaasa ang mga senador na maisumite sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng Disyembre ang P4.1-trillion na panukalang national budget para sa taong 2020.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sen. Juan Sonny angara, sisimulan na sa Lunes, Nobyembre a-11 ang mga debate sa plenaryo.

Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magsasagawa ng marathon hearings ang Senate Finance Committee sa panukalang pambansang pondo upang hindi na maulit ang nangyaring delay sa budget ngayong taon.

Magugunita na nito lamang Abril-15 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang P3.757-trillion national budget ngayong taon, ngunit na-veto ang P95-bilyong alokasyon na hindi umano bahagi ng priority projects ng punong ehekutibo.

Charlie Nosares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *