Pagbuo ng short term plans kontra-iligal na droga, iminungkahi ni VP Robredo

National News

Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na bumuo ng short-term plans kaugnay ng pagsugpo sa iligal na droga.

Ito ang unang suhestiyon ni VP Robredo sa ICAD bilang co-chairperson matapos mabatid na may binuong batayan ang mga opisyal para masukat ang tagumpay ng war on drugs campaign.

Sinabi ni Robredo na kailangan nilang umakasyon sa dalawa’t kalahating taon na natitira sa termino ng administrasyon.

Target ng Bise Presidente na bago matapos ang taon o sa 2020 ay may maabot ng accomplishments ang ICAD.

Charlie Nosares | Larawan mula sa FB Page ni VP Leni Robredo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *