Posibleng pagtama ng malakas na pagyanig sa Malungon Fault, pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan

Regional

Matinding paghahanda ang ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Malungon, Sarangani Province sa posibleng ng malakas na mga pagyanig sakaling gumalaw ang Makilala- Malungon Fault.

Sinabi ni Jessie Dela Cruz, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Head, na patuloy ang kanilang information dissemination sa mga barangay para paghandaan ang sinasabing big one.

Sinasabing kayang yumanig ng nasabing fault ng 7.2 magnitude na lindol na posibleng aabot sa intensity 8 ang pagyanig.

Ayon kay Dela Cruz, apat na barangay ang nakitaan ng fault kung saan mahigit sa isandaang pamilya ang maaapektuhan.

Aniya, natukoy na nila ang mga gagamiting evacuation center sakaling tumama ang nasabing lindol na magdudulot ng malaking epekto sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *