Shoe technology course, ituturo na sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

Metro News

Ituturo na sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMAR) ang paggawa ng sapatos.

Ito ay matapos na lumagda ng kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Marikina at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, maliban sa Shoe Technology Course ituturo na rin sa PLMAR ang iba pang kurso tulad ng Caregiving, at Bread and Pastry.

Kamakailan lang ay isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan mismo nina Marikina Mayor Teodoro at TESDA Director General Sec. Isidro Lapeña sa National TVET Trainers Academy (NTTA) sa lungsod.

 Dagdag pa ni Mayor Teodoro, na sa pagsama sa Shoe Tech course inaasahan nito na lalo pang lalago ang industriya ng sapatos sa tinaguriang Shoe Capital ng bansa.

Admar R. Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *