Pagkatalaga kay VP Robredo bilang bagong drug czar, welcome para sa ilang NCRPO officials

National News

Walang nakikitang problema ang ilang district directors ng Metro Manila police sa pagkakatalaga kay VP Leni Robredo bilang bagong Drug Czar.

Sa pulong balitaan sa Quezon City Police District Kamuning Station, inilahad ng mga district director ng MPD, EPD at SPD ang kanilang pananaw sa pagkakatalaga kay VP Robredo bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Sinabi ni MPD Director BGen Bernabe Balba, isang welcome development ang pagkakatalaga kay VP Robredo.

Para naman kay EPD Director BGen. Johnson Almazan, nakahanda silang ibigay ang buong supprta sa Bise Presidente at wala silang problemang nakikita rito.

Ayon naman kay SPD Director BGen. Nolasco Bathan ikinagagalak nito na bahagi na ang Pangalawang Pangulo sa kampanya laban sa iligal na droga.

Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *