lindol

Davao Oriental niyanig ng magnitude 3 na lindol

NIYANIG ng magnitude 3 na lindol ang Davao Oriental ngayong araw. Naitala ang epicenter ng lindol sa 28 kilometro timog-silangan ng Bayan ng Tarragona, kaninang ala-6:30 ng umaga. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 5 kilometro. Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng pagyanig. DZAR1026

Continue Reading
Batanes-lindol-operations

Bilang ng nasawi sa magkasunod na lindol sa Batanes, umakyat na sa 9

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 5.4 at 5.9 na lindol na tumama sa Batanes nito lamang Sabado. Ayon kay Itbayat Town Mayor Raul De Sagon, 9 na ang nasawi sa magkasunod na lindol habang 1 ang nawawala at 63 ang nasugatan. Mula naman aniya sa search and rescue ay inilipat na […]

Continue Reading

NDRRMC, hinikayat ang lokal na pamahalaan ng Batanes na magdeklara ng state of calamity

IMINUNGKAHI ng National Disaster Risk Reduction and Manage­ment council (NDRRMC) sa pamahalaang lokal ng Batanes na magdeklara ng state of emergency kasunod ng magnitude 5.4 at 5.9 lindol na pumatay sa 8 katao. Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, sa oras na ideklara ang state of emergency sa lalawigan ay magtutulak ito ng mga […]

Continue Reading
aftershocks

Halos 500 aftershocks na ang naitala matapos ang magnitude 6.1 na lindol, kahapon   

Halos limandaang (500) aftershocks na ang naitala kasunod ng pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon kahapon. Ayon sa PHIVOLCS, hanggang kaninang alas-8 ng umaga ay nasa 491 na ang na-rekord na aftershocks na may magnitude na mula 1.4 hanggang 3.4. Walo (8) ang naramdaman habang animnapu’t dalawa (62) ang “plotted” na nangangahulugang tukoy […]

Continue Reading
1000 aftershocks

Alaska, niyanig ng mahigit 1000 aftershocks

MAHIGIT 1000 aftershocks ang naitala ng US Geological Survey. Matapos yanigin ng Magnitude 7.0 na lindol ang Anchorage noong Biyernes. Bagama’t mahihina ang mga pagyanig ay kanselado pa rin ang mga klase hanggang sa Martes. Nabitak naman ang lupa at ilang gusali dahil sa nasabing paglindol noong Biyernes. Walang naiulat na nasawi sa insidente bagama’t […]

Continue Reading

Surigao Del Norte, muling niyanig ng 3 magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng tatlong magkakasunod na lindol ang Surigao Del Norte kahapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-Surigao, tumama ang lindol sa Bayan ng Burgos, Surigao Del Norte. Nilinaw ng PHIVOLCS na ang naturang mga pagyanig ay hindi aftershocks sa magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Siyudad ng Surigao noong Pebrero […]

Continue Reading

Compostela Valley, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Compostela Valley. Naitala ang lindol sa siyam na kilometro Hilaga ng Montevista, kaninang alas-9:50 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 62 kilometro. Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Continue Reading