2020 Proposed Budget ng OVP, lusot na sa House Committee on Appropriations

AGAD na lumusot sa paghimay ng House Committee on Appropriations ang 2020 Proposed National Budget ng Office of the Vice President (OVP). Tumagal lamang ng 24 na minuto sa kamay ng komite ang 2020 proposed budget ng OVP na gagamitin para Anti-Poverty Programs ni Vice President Leni Robredo. Nasa P684.22 million ang initial request ng OVP […]

Continue Reading
mahistrado

8 mahistrado, dapat tanggihan ang nominasyon bilang susunod ng Chief Justice

Binigyang-diin ni Albay Representative Edcel Lagman na hindi dapat makinabang sa kanilang desisyon ang walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sinabi ni Lagman na dapat tanggihan ng nasabing mga Supreme Court justices ang nominasyon bilang susunod na punong hukom. Iginiit ng […]

Continue Reading

Martial Law extension hanggang Disyembre, labag sa konstitusyon­­ – Lagman

Paglabag sa konstitusyon ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang batas militar sa Mindanao hanggang sa Disyembre a-trenta y uno. Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, alinsunod sa Saligang Batas ay walang papayagang extension ng Martial Law nang lagpas sa animnapung araw. Nakakabahala pa aniya ang mga pahayag ni Duterte na posibleng maging […]

Continue Reading

Lagman sinita si Quimbo sa pahayag na di-susuportahan ng LP ang impeachment laban kay Duterte

Sinita ni Albay Representative Edcel Lagman ang kapartidong si Deputy Speaker Miro Quimbo sa pahayag nito na hindi susuportahan ng Liberal Party (LP) ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Lagman, hindi kinonsulta ni Quimbo ang mga miyembro ng LP bago nito ginawa ang naturang pahayag. Ni wala pa nga aniyang ipinatatawag […]

Continue Reading

Matapang na hakbang vs pambabraso ng Kamara hinikayat

Pinagtibay ng liderato ng Kamara ang ‘policy of reprisal and repression’ matapos patalsikin ang mga lider ng Kamara na kontra sa death penalty. Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, ang paghingi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng mga pangalang ipapalit sa mga tinanggal na House leaders ay paraan para mahikayat ang mga ito na manatili […]

Continue Reading

Congressman Edcel Lagman, naniniwalang premature ang pag-apruba sa Death Penalty Bill ng Kamara

Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na ‘premature’ ang pagpasa sa panukalang muling pagbuhay sa parusang kamatayan. Sa pagsisimula pa lang ng botohan ay agad na nagmosyon si Lagman na huwag munang ituloy ang botohan dahil sa umano’y premature pa ito. Paliwanag ng kongresista, hindi sinunod ng liderato ng Kamara ang three-day notice rule na […]

Continue Reading

Lagman, hinamon si House Speaker Alvarez na tuparin ang banta laban sa mga boboto kontra sa death penalty

Hinamon ni Albay Representative Edcel Lagman si House Speaker Pantaleon Alvarez na tuparin nito ang bantang aalisin ang deputy speakers at committee chairpersons sa Kamara na boboto kontra sa death penalty. Kung hindi aniya ito gagawin ni Alvarez ay hindi na siya paniniwalaan pa ng mga kongresista sa susunod na magbanta ulit ito. Sa kabila […]

Continue Reading

Oposisyon sa Kamara, tiniyak na magiging madugo ang debate sa Death Penalty Bill

Inaasahan na ni Albay Representative Edcel Lagman na magiging madugo ang debate sa Kamara kaugnay sa panukalang Death Penalty. Aminado si Lagman, na kaya nilang makapagpalabas ng humigit kumulang sa 50 interpellators na tutol sa nasabing panukala. Kabilang daw dito ang mga kongresista mula sa Super Majority gaya nina PBA Party-list Representative Jericho Nograles, Davao […]

Continue Reading

Oposisyon, hiniling ang conscience vote sa death penalty bill

Nanawagan ang mga mambabatas na miyembro ng oposisyon sa kamara na daanin sa “conscience vote” ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan. Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Akbayan Partylist Representative Tom Villarin, sinabi nito na maraming mambabatas ang gustong idaan sa conscience vote at hindi batay sa partido pulitikal ang magiging botohan sa death […]

Continue Reading

Rep. Lagman, iginiit ang pananaw kaugnay sa Batas Militar

Binigyang diin ni Albay Representative Edcel Lagman na kung idedeklara raw ni Pangulong Duterte ang Martial Law, ang Korte Suprema pa rin naman daw ang may final magpapatupad nito. Ito ang reaksyon ni Lagman matapos sabihin ni Pangulong Duterte na handa itong isailalim ang bansa sa isang batas militar kahit walang invasion o rebellion. Maaari […]

Continue Reading