Suspek sa kaso ng kinse anyos na dalagitang biktima ng ligaw na bala sa Malabon tukoy na, pero suspek ‘di pa rin hawak ng mga otoridad

May natukoy nang suspek ang Malabon City Police kaugnay sa pagkamatay ni Emilyn Villanueva Calano, ang kinse anyos na dalagita na nabiktima ng ligaw na bala. Pero ayon kay Malabon City Police Chief Senior Superintendent John Chua, hindi pa nila hawak ang suspek dahil mailap umano ito. Sa kabila nito, tiniyak ni chua na kanilang […]

Continue Reading

15 anyos na dalagitang biktima ng ligaw na bala sa Malabon, pumanaw na

Pumanaw na ang kinse anyos na dalagita na biktima ng stray bullet sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Malabon City. Ayon kay Department of Health Secretary Paulyn Ubial, pumanaw na si Emilyn Villanueva dahil sa cardiac arrest alas sais diyes kagabi. Matatandaan na ang biktima ay nanonood lamang ng fireworks display ng ito ay tamaan […]

Continue Reading

Tauhan ng PCG na nagpapautok ng baril noong Bagong Taon, sinibak na

Sinibak na sa pwesto ni Philippine Coast Guard Officer-In-Charge Commodore Joel Garcia ang isa nilang tauhan na nagpaputok ng baril noong Bagong Taon sa Pasacao, Camarines Sur. Ayon kay Garcia, ipinag-utos niya sa District Commander ng Coast Guard sa Bicol na agad paharapin sa headquarters ng Coast Guard sa Maynila si Petty Officer 3rd Class […]

Continue Reading

Hustisya sa dalagang tinamaan ng ligaw bala sa pagsalubong sa Bagong Taon, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng PNP-National Capital Region Police Office na mabibigyan ng hustisya ang kinse anyos na dalagita na biktima ng ligaw na bala sa malabon sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ito ang ipinangako ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde sa mga magulang ng biktimang si Emilene Villanueva. Ayon sa DOH, kabilang si Villanueva sa mga biktima […]

Continue Reading

3 miyembro ng Philippine Army, arestado sa Indiscriminate Firing

Arestado ang tatlong miyembro ng philippine army dahil sa Indiscriminate Firing sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Oriental Mindoro. Kinilala ang mga sundalo na sina Private First Class Kevin Fajilgutan, John Rey Calansa at Leonard Magro na nakatalaga sa 514th Engineering Construction Battalion ng 51st Engineering Brigade. Ayon sa pulisya, pinaputok ng tatlong sundalo ang […]

Continue Reading

Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, masayang ipinagdiwang ang Bagong Taon

Magkasamang ipinagdiwang nina Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach at rumored boyfriend Marlon Stockinger ang bagong taon sa Hawaii. Sa Instagram account ng dalawa, ibinahagi nila ang picture kung saan may caption na “My Kind Of Nye”. Umani naman ito ng likes at komento mula sa mga netizens. Una nang inamin ni Marlon na nagde-date […]

Continue Reading

Gen. Dela Rosa, binati ang mga naging katuwang sa payapang pagdiriwang ng Bagong Taon

Binati ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang Philippine National Police, Department of Health at iba pang government agencies at local government units sa mapayapang pagdiriwang ng Bagong Taon. Ayon kay Gen. Dela Rosa, naging matagumpay ang pangkalahatang kampanya para mabawasan ang mabiktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon. Batay kasi sa ulat ng […]

Continue Reading