Batangas, niyanig ng 3.2 magnitude na lindol

NIYANIG ng magnitude 3.2 na lindol ang probinsya ng Batangas ngayong araw. Naitala ang epicenter ng lindol sa 4 na kilometro north-west ng bayan ng Cuenca, kaninang 2:06 ng madaling araw. Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 28 kilometers. Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng pagyanig. DZAR1026

Continue Reading
Bagyong Hanna

Bagyong Hanna, nakalabas na sa PAR; mga pag-ulan, patuloy

NAKALABAS na sa teritoryo ng Pilipinas ang Bagyong Hanna. Ayon sa Pagasa, alas dose kaninang hatinggabi nang tuluyang lumayo sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo. Huli namang namataan ang bagyo sa layong 645 KM hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes Sa kabila nito, patuloy na makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil […]

Continue Reading
Metro Manila

Light to moderate rain showers, mararanasan sa buong Metro Manila at ilang lugar

SA lagay ng panahon, makararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na pagbuhos ng ulan ang buong Metro Manila at ilang karatig na probinsya. Batay sa weather forecast ng Pagasa apektado din ang mga lugar ng Rizal, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon. Parehong sitwasyon din ang iiral sa Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan. Ang nararanasang […]

Continue Reading

LPA sa Dagupan, patuloy na binabantayan ng PAGASA

PATULOY pa ring binabantayan ng pagasa ang isang Low Pressure Area (LPA) sa Dagupan City. Ayon sa Weather Bureau, huling namataan ang LPA sa layong 380 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan kaninang 6:00ng madaling araw. Palalakasin ng sama ng panahon ang soutwest monsoon o Habagat na magdadala ng monsoon rains sa MIMAROPA, Cavite, Batangas, […]

Continue Reading
Bagyong Falcon

Bagyong Falcon, lalabas na mamayang gabi; LPA, inaasahang magiging tropical depression

PATULOY na nananalasa ang Bagyong Falcon sa extreme Luzon. Sa 5 AM Severe Weather Bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometer kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 80 kilometer kada oras. Kumikilos ang Bagyong Falcon pahilaga […]

Continue Reading

Bagyong Salome, nag-landfall na sa San Juan, Batangas; ilang lugar sa Luzon, nasa Signal no. 2

ITINAAS na sa Signal number 2 ang Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas at hilagang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro. Habang Signal number One naman sa ilang bahagi ng Oriental At Occidental Mindoro, Bulacan, Pampanga, Southern Zambales, Rizal, Camarines Norte, Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite at Batangas. Ito ay matapos mag-landfall sa […]

Continue Reading

Babaeng may kasong illegal recruitment, estafa dinampot ng NBI sa Pasay

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Organized Transnational Crimes sa isang entrapment operations sa Pasay City ang isang babaeng sangkot sa illegal recruitment at estafa. Ayon sa NBI, nahaharap sa mga nasabing kaso sa iba’t ibang korte ang suspek na si Gloria Javillonar. Mayroon itong nakabinbing kaso sa mga korte sa San Jose, Oriental […]

Continue Reading

Sundalo, sugatan matapos makaengkuwentro ang nasa 30 miyembro ng NPA sa Surigao del Norte

Isang sundalo ang sugatan matapos na makaengkuwentro ng mga tropa ng 30th Infantry Battalion ang nasa tatlumpung miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Surigao del Norte. Naganap ang bakbakan sa Barangay Tinago sa Bayan ng Malimono. Nagpasabog umano ng improvised explosive device (IED) ang mga rebelde na ikinasugat ng sundalo. Patuloy naman ang kanilang […]

Continue Reading

2 miyembro ng NPA, patay sa engkuwentro sa Batangas

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkuwentro ang tropa ng militar sa Barangay Lumanag, Lian, Batangas. Agad sinuspindi ang klase ng mga estudyante sa lugar dahil sa bakbakan. Nakuha naman sa lugar ang matataas na kalibre ng baril at granada. Patuloy pa rin ang operasyon ng militar sa lugar.

Continue Reading

17 NPA, arestado sa engkuwentro sa Batangas

Kusang sumuko sa gobyerno ang limampu’t isang miyembro ng New People’s Army (NPA) samantalang labimpito naman ang naaresto. Ito ang ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) simula nang ilunsad ng militar ang all-out war laban sa rebeldeng grupo tatlong linggo na ang nakalilipas. Inaasahan ni AFP Spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo na marami […]

Continue Reading