Trillanes at Faeldon, nagkaharap sa senado kaugnay sa P6.4B halaga ng shabu mula sa China

Ala dyes y media ng umaga nang magsimula ang ikatlong pagdinig ng senado sa P6.4-B halaga ng smuggled shabu na mula sa China. Pinangunahan pa rin ni Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig. Mula sa pagkakahospital dahil sa heart diseas ay muling humarap sa senado si Bureau of Customs (BOC) Commissioner […]

Continue Reading

Mataas na opisyal sa BoC, dawit din sa illegal transactions

Muling magsasagawa ng imbestigasyon ang senado ngayong araw kaugnay pa rin sa Php 6.4B shabu na nakalusot sa Bureau of Customs. Nakatakdang bubusisiin ng mga senador ang umano’y mga opisyal na nakikinabang sa illegal shipment at iba pang maling proseso sa ahensya. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nais niyang mausisa sa tetistigong si Mark Taguba […]

Continue Reading

Senado, ikinulong ang 2 chinese na iniuugnay sa Php 6.4 B drug shipment dahil sa pagsisinungaling

Pinatawan ng cited for contempt ng Senado ang dalawang chinese businessmen sa pagharap sa Senate Inquiry kaugnay sa Php 6.4 B drug shipment na nakalusot sa Bureau of Customs. Inaprubahan ni Senate President Koko Pimentel na ikulong sa Senate building sina si Richard Tan, ang may-ari ng bodega ng Hong Fei Logistics na pinagdalhan ng […]

Continue Reading

Faeldon, absent sa pagdinig ng kamara

Hindi sinipot ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang pagdinig committee on dangerous drugs ng kamara kaugnay sa 6.4 Bilyong pisong halaga ng shabu na naipuslit sa Bureau of Customs. Sinabi ni Deputy Commissioner Natalio Ecarma na hindi nakarating si Faeldon sa pagdinig dahil nasa ospital ito para sa isang ‘dental emergency.’ Ayon kay Quezon City […]

Continue Reading

Mga itinalagang atleta sa BOC, sisilipin kung kwalipikado sa hawak na posisyon

Maliban sa isyu ng smuggling na bumabalot ngayon sa Bureau of Customs (BOC), ipinabubusisi rin ng kamara ang legalidad ng pagkuha ng tanggapan ng BOC ng mga atletang maglalaro para sa kanila tuwing may mga sports cup. Ayon sa report, aabot sa tatlumpung mga datihan at aktibong atleta ang nasa listahan ng Bureau of Customs na nagsisilbing technical assistants ng […]

Continue Reading

Pahayag ni Faeldon na umano’y pakikialam ng ilang mambabatas sa BOC, umani ng batikos sa Senado

Hinikayat ni Sen. Francis Chiz Escudeo si Commissioner Nicanor Faeldon ng Bureau of Customs na pangalanan ang mga mababats na sinasabi nitong nakikialam sa operasyon ng ahensya hanggang sap unto ng promotions ng mga empleyado. Matatandaang sinabi ni Faeldon na may mga mababatas na naghihingi sa kanya ng pabor na kapag hindi napagbigyan ay magagalit […]

Continue Reading

Labingwalong crate ng illegal drugs na nailusot sa BOC, pinangangambahang naipakalat na sa merkado

Aabot pa sa dalawampu’t dalawang bilyong piso na halaga ng shabu ang ipinapahanap ngayon ng kamara sa mga otoridad na pinangangambahang naipakalat na ito sa merkado matapos na masamsam ang limang crate ng illegal drug shipment mula sa 23 crate na naipalusot sa Bureau of Customs (BOC). Batay sa dokumentong hawak ng BOC, hindi lang […]

Continue Reading

BOC, zero budget sa 2018 dahil sa palpak na trabaho

Nagbanta ang isang mambabatas na hindi bibigyan ng budget para sa 2018 ang Bureau of Customs. Ayon kay Deputy Speaker Miro Quimbo, isusulong niya na huwag bigyan ng pondo ang BOC hangga’t hindi ipinapaliwanag ng mga opisyal nito kung bakit nakalusot sa bansa ang 600 kilogram shabu nang hindi nila nalalaman. Inihayag ito ni Quimbo […]

Continue Reading

 P4.2-M na halaga ng bawang at sibuyas, nasabat ng BOC

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga puslit na sibuyas at bawang sa Manila International Container Terminal (MICT). Ayon sa BOC, nakapaloob ang mga sibuyas at bawang sa tatlong container van. Tinatayang aabot sa 4.2 milyong piso ang halaga ng mga nakumpiska. Patuloy ang isinasagawang inspeksyon ng mga otoridad sa mga […]

Continue Reading