abas

CA, kinumpirma si Abas bilang Chairman ng COMELEC

  Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga ni Sheriff Abas bilang chairman ng Commision on Elections (COMELEC), kapalit nang nagbitiw na si Andres Bautista. Si Abas, ay ang pinakabatang opisyal sa COMELEC na nailuklok bilang chairman sa edad na 39. Aabot ang kanyang termino hanggang sa taong 2022 ng Pebrero. Siya din […]

Continue Reading

Health Secretary Duque, pabor sa pagtatayo ng mga maliliit na ‘drug rehab’ sa mga komunidad

SANG-AYON ang bagong talagang si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa mungkahi ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago na magpatayo ng mga Community-Based Drug Rehabilitation Center. Ang importante, ayon kay Duque, ay mapalawak ang access sa rehabilitasyon ng mga drug dependent. Kumbinsido ang kalihim na mainam kung may suporta ng komunidad […]

Continue Reading

Taguiwalo, muling sasalang sa CA

Sasalang ngayong araw sa Commission on Appointments (CA) si Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo. Inaasahang pagbobotohan na kung kukumpirmahin o ibabasura ang appointment ni Taguiwalo. Ito na ang ikatlo at huling confirmation hearing para kay Taguiwalo. Iginiit din ng kalihim na tapat niyang pinamunuan ang DSWD sa nakalipas na isang taon. […]

Continue Reading

Mga na-bypass na Gabinete ng CA, muling itatalaga ni Duterte

Muling itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga na-bypass na Gabinete ng Commission on Appointments (CA). Hindi inaprubahan ng CA ang appointment nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano, Department of Social Welfare and Development  (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo at Department of Health […]

Continue Reading

Duterte, hindi makikialam sa CA sa kanyang appointees

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nakikialam o tumatawag kanino man para lang ipilit ang kanyang interes. Ito ang tugon ni Duterte matapos ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay. Ayon kay Duterte, ipinauubaya rin niya ang proseso ng batas sa […]

Continue Reading

DFA, nilinaw na pinag-aaralang mabuti ang renewal ng pasaporte ni Yasay

Pinag-aaralan lamang nang mabuti ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang renewal ng Philippine passport ni dating Secretary Perfecto Yasay, Jr. Tugon ito ni DFA Assistant Secretary Charles Jose sa ulat na sinuspindi ni acting DFA Secretary Enrique Manalo ang pasaporte ng dating kalihim. Magugunitang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ni Yasay […]

Continue Reading

Lopez, malaki ang tiyansang ma-bypass ng CA

Malaki ang tiyansang ma-bypass ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez kung hindi pa ito mapagdedesisyunan sa susunod na linggo. Itinakda ng CA ang isang executive caucus para sa kumpirmasyon ni Lopez sa Huwebes. Ang huli naman nitong Plenary session ay sa Miyerkules bago […]

Continue Reading

Yasay, dapat humingi ng tawad sa pagsisinungaling tungkol sa kanyang US citizenship

Dapat humingi ng sorry si dating Department of  Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay, Jr. dahil sa pagsisinungaling nito tungkol sa kanyang US citizenship. Bukod dito, sinabi ni dating Ambassador Jose Apolinario Lozada na kailangan ding magpaliwanag ng Malakanyang sa buong mundo kung bakit ipinagkatiwala ang foreign policy ng bansa sa isang hindi naman pala […]

Continue Reading

Yasay nanindigang hindi nagsinungaling sa CA

Nanindigan si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay na hindi siya nagsinungaling sa kanyang citizenship matapos ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang nominasyon. Sa kanyang Facebook post, sinabi niyang hindi siya nagsinungaling sa nasabing isyu na kinuwestiyon ng CA. Kumpiyansa umano siya sa kanyang mga sinagot sa komisyon. Dagdag pa ni […]

Continue Reading

Duterte, nagtalaga na ng acting DFA secretary

Inanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang acting secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ito’y matapos ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ni Secretary Perfecto Yasay. Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, itinalaga ni Duterte si Undersecretary Enrique Manalo bilang acting DFA secretary. Dagdag pa ni Abella, maituturing na ‘excellent transition man’ […]

Continue Reading