Closure order ng DENR sa mga minahan iligal

Iniimbestigahan ngayon sa Kamara ang mining audit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nagisa sa pagdinig si DENR Undersecretary Leo Jasareno na umaming hindi pa pirmado ang kanyang contract of service sa ahensiya. Hindi umano nabigyan ng due process ang mga minahan sa ginawang suspension at closure orders ni DENR Secretary Gina Lopez […]

Continue Reading

Duterte, hindi makikialam sa CA sa kanyang appointees

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nakikialam o tumatawag kanino man para lang ipilit ang kanyang interes. Ito ang tugon ni Duterte matapos ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay. Ayon kay Duterte, ipinauubaya rin niya ang proseso ng batas sa […]

Continue Reading

Destabilisasyon sa gobyerno, pinopondohan umano ng mining firms at drug lords

Pinopondohan umano ng mga nasa mining industry at drug lords ang planong destabilisasyon sa Administrasyong Duterte. Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng ika-35 taong anibersaryo ng PDP-LABAN. Binigyang-diin ng pangulo na kilala niya ang mga minerong nagpopondo sa mga taga-Oposisyon pero tumanggi si Duterte na pangalanan kung sino ang mga ito. Sinabi […]

Continue Reading

Gusali ng DENR-Central Visayas, nasunog

Nasunog ang dalawang palapag na gusali ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Central Visayas sa  Green Plains Subdivision sa Barangay Banilad, Mandaue City. Ayon kay Senior Fire Officer 2 Cipriano Codilla, Jr., nagsimula ang apoy sa Integrated Coastal Resources Management project building at agad itong kumalat sa kalapit na gusali. Maliban sa opisina ng […]

Continue Reading

Lopez, hindi pa bypassed ang appointment — Sato

Hindi pa maituturing na bypassed ang ad interim appointment ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez. Ayon kay Occidental Mindoro Representative Josephine Ramirez-Sato, bukas ay magkakaroon ng executive session ang Commission on Appointments (CA) Committee on Natural Resources. Doon aniya ay dedesisyunan ng komite kung pagbobotohan nila o hindi ang kumpirmasyon […]

Continue Reading

Isang DENR usec idinepensa ni Gina Lopez

Ipinagtanggol ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang pagkakatalaga kay Undersecretary Leo Jasareno kahit pa may kinahaharap itong reklamong graft. Ayon sa Lepanto Consolidated Mining Company, ‘bad faith’ ang ginawa ni Jasareno sa pag-aanunsiyo ng mga rekomendadong suspindihin. Aminado naman si Lopez na nakatatanggap siya ng maraming reklamo kay Jasareno […]

Continue Reading

Kumpirmasyon ni Lopez, ipinagpaliban ng CA

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) hanggang bukas ang confirmation hearing para sa ad interim appointment ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez. Dalawa lamang sa dalawampu’t tatlong kontra sa kumpirmasyon ni Lopez ang dininig ng komite. Ayon kay Senador Manny Pacquiao, para patas ay dapat na marinig ang lahat ng […]

Continue Reading

Confirmation hearing ni Lopez, sinabayan ng kilos-protesta

Sinabayan ng kilos-protesta ang confirmation hearing ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez. Bitbit ng mga pro-mining group ang placards na nagsasabing nakatutulong naman ang pagmimina partikular sa kanilang pamumuhay. Si Lopez, na kilalang anti-mining advocate ay humarap sa Commission on Appointments (CA) ngayong araw sa kabila ng hirit na itakda […]

Continue Reading