lebel ng tubig

Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon, patuloy ang pagbaba

Nabawasan pa ang lebel ng tubig sa Angat dam. Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas sais ng umaga ay bumaba sa 182.97 meters ang water level sa Angat dam. Nabawasan ito ng 0.58 meters mula sa 183.55 meters kahapon. Habang sa La Mesa dam ay bumaba sa 68.51 meters ang water level, bahagya itong nabawasan ng isang metro mula […]

Continue Reading
init

Init sa kalakhang Maynila, inaasahang papalo hanggang 34 degrees celsius

Patuloy na nakaaapekto ang easterlies sa buong bansa. Bunsod nito, makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Mindanao, Eastern Visayas, Bicol Region, Aurora at Quezon. Habang maaliwalas na panahon ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Inaasahang papalo hanggang 35 degrees celsius ang temperatura sa […]

Continue Reading

MWSS, kinumpirma ang pagtulong ng Maynilad sa Manila Water

Kinumpirma ng Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS) na tutulong ang Maynilad sa pag-suplay ng tubig sa mga customer ng Manila Water. Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, nagbigay na siya ng instruction kung paano matutulungan ang Manila Water na nagpapatupad ng water interruption sa mga lugar na kanilang sineserbisyuhan. Sinabi ni Velasco na labing […]

Continue Reading
pinsala ng tagtuyot sa agrikultura

Halaga ng pinsala ng tagtuyot sa agrikultura, pumalo na sa halos kalahating bilyong piso

Pumalo na sa halos kalahating bilyong piso ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura. Sa datos mula kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kabuuang P464.3-M ang pinsala ng tagtuyot sa mga palayan at maisan. Apektado nito ang higit labing anim na libong magsasaka sa Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at […]

Continue Reading
heatstroke

Publiko, pinaalalahanan ng DOH sa heatstroke

Bagaman hindi pa opisyal na nagsimula ang panahon ng tag-init o summer, pinaalalahanan ng Department Of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa heatstroke. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ikinu-kunsiderang isang medical emergency ang panganib ng heatstroke. Sinabi ni Duque na posible magkaroon ng heatstroke ang isang tao kapag maalinsangan ang panahon, lalo na […]

Continue Reading

Mga probinsya na maaapektuhan ng tag-tuyot, posibleng madagdagan pa

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga probinsya na maaapektuhan ng tag-tuyot ngayong buwan. Mula limang probinsya ay posibleng umakyat pa ito sa sampung probinsya. Sinabi ni PAGASA Climate Monitoring Chief Analiza Solis na nakararanas na ng tag-tuyot simula Pebrero ang Ilocos Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Cebu. Inaasahan na mararanasan din […]

Continue Reading