Bagong anti-illegal drug unit ng PNP, ilulunsad ngayong araw

Ilulunsad ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang bagong anti-illegal drug unit at ang bagong hotline na puwedeng tawagan ng publiko para isumbong ang mga reklamo. Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na buo na ang bagong anti-drug unit ng Pambansang Pulisya na pinangalanang PNP-Drug Enforcement Group o P-DEG. Ang P-DEG ang papalit […]

Continue Reading

Puneraryang pinagdalhan ng labi ni Jee, nakitaan ng paglabag sa batas; may-ari, ginisa sa pagdinig sa Senado

Nagisa sa pagdinig ng senado ang may-ari ng puneraryang pinagdalhan ng mga labi ng pinatay na Korean businessman na si Jee Ick Joo. Kumbinsido si Senador Grace Poe na may malaking pananagutan sa batas ang may-ari ng Gream Funeral Parlor sa Caloocan City na si Gerardo Santiago, na dating pulis. Itinanggi ni Santiago na siya […]

Continue Reading

Kasambahay ni Jee Ick-Joo, nadiskubreng convicted sa kasong kidnapping

Convicted sa kasong kidnapping pero nakalaya rin matapos ang ilang taon ang isang nagngangalang Marissa Dawis na kapangalan ng kasambahay ng pinatay na Koreanong si Jee Ick-Joo. Ipinakita ni Senadora Leila De Lima ang mga prison record ni Dawis sa pagdinig ng Senado. Kinumpirma naman ni Philippine National Police -Anti-Kidnapping Group (AKG) Director Glenn Dumlao […]

Continue Reading

Gerardo Santiago, tikom ang bibig kung sino ang nag-utos na i-flush sa banyo ang mga abo ni Jee

Tikom ang bibig at hindi napilit si Gerardo Santiago, may-ari ng puneraryang pinagdalhan kay Jee Ick-Joo para sabihin kung sino ang nag-flush sa banyo ng mga abo ng pinatay na Koreano. Sa testimonya ni National Bureau of Investigaion (NBI) Assistant Director Medardo Delemos, sinabi nitong nagbigay ng mga sinumpaang salaysay ang mga empleyado ng puneraryang […]

Continue Reading

Mga opisyal ng NBI na isinasangkot sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo, kinasuhan na

Kinasuhan na ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na isinasangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-Joo. Kabilang sa mga kinasuhan sina dating NBI Deputy Director Jose Yap, NBI-NCR Director Ricardo Diaz at NBI Task Force Against Illegal Drugs Chief Roel Bolivar. […]

Continue Reading

PNP, kinumpirmang biktima ng mafia ang pinatay na na si Jee Ick-Joo

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na biktima ng mafia style ang pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick-joo. Pero hindi aniya ito ang Korean mafia na binabanggit sa kaso. Sinabi ni PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) Director Police Sr. Supt. Glen Dumlao na mafia style ang pagpatay kay Jee bilang panakot ng grupo nina […]

Continue Reading

2 pang suspek, kakasuhan ng PNP sa pagkidnap at pagpatay kay Jee Ick-joo

Kakasuhan na ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawa pang suspek na sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-joo. Ayon kay PNP-AKG Director Sr. Supt. Glen Dumlao, lumutang ang dalawang bagong pangalan bilang mga principal suspek sa kaso. Tumanggi si Dumlao na kumpirmahin kung ang mga ito ay mula […]

Continue Reading

Biyuda ng pinaslang na Koreano na si Jee Ick Joo, may apela kay Pang. Duterte

Umapela ang biyuda ng pinaslang na Koreano na si Jee Ick Joo kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag payagan ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa kaso ng kaniyang asawa. Sa isang liham, sinabi ni Choi Kyung Jin na wala siyang tiwala sa nbi-pnp Task Force para hawakan ang kaso ng […]

Continue Reading

Gen. Dela Rosa, humingi ng paumanhin sa Korean Community sa sinapit ng kanilang kababayan

Personal na humingi ng paumanhin si Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa sa harap ng Korean Community sa Clark, Pampanga dahil sa sinapit ng kanilang kababayan na si Jee Ick Joo. Ipinangako naman ni dela rosa na hindi na mangyayari sa iba pang koreano sa bansa ang malagim na sinapit ng negosyante. […]

Continue Reading